i have just acquired a pair of specs! i used to grow up believing im not going to wear any at least until im fifty... my grandma died at eighty-six without wearing one for work.. hay, the strain that computers do to our eyes these days... i now have a vision grade of 25! :(
the best thing about it is that leo wears one too :) mmmm... we can now wear matching eyeglasses... :)
Monday, March 19, 2007
Monday, March 12, 2007
lonely planet and wind towers
marami rami na rin akong napuntahan... at kahit isang beses hindi pa ako naligaw, minsan nga, nagugulat ang aking mga kasamahan sa galing ng aking "sense of direction".. ang di nila alam, kolektor ako ng mapa at syempre, ang man's or woman's best friend when it comes to knowing where to go - the ever reliable lonely planet travel guide books!
nagpapasalamat talaga ako at naimbento ang mga travel guide books...
madalas, magpupuyat lang ako ng isang gabing pagbabasa ng lonely planet at magaayos ng aming itinerary para sa isang excursion sa susunod na linggo... anong oras magkikita, anong sasakyan or mga kalyeng dadaanan, magkano ang magagastos, gaano katagal dapat sa isang destinasyon, saan kakain, at syempre anong oras makakauwi. masaya, lalo na kung nasunod lahat ng plano at maganda ang kinalabasan... at syempre pag marami kang pictures na nakuha. dapat laging maraming pictures na makuha, walang proof pag walang pictures.
minsan din, sa di inaasahang pagkakataon, mapupunta ka sa isang lugar na hindi ka pamilyar, hindi mo alam kung saan ka dapat pumunta. dito malaki ang naitutulong ng lonely planet sa kin.

nung tumuntong ako sa dubai, ang alam ko lang na dapat makunan ng picture ay ang burj al arab, syempre. pero hindi naman yun lang ang dubai di ba? dahil sa lonely planet, namulat ako sa konsepto ng "wind towers" bilang isang building feature ng isang middle eastern dwelling. nung nasa kolehiyo pa ako, ang natatandaan kong feature ng isang dwelling para sa hot arid region ay - dapat may courtyard, small openings at magkakadikit...parang di ko yata natantandaan ang mga wind towers (baka natutulog ako o lumilipad ang isip nung binanggit ito - o baka iba din kasi pag malapit sa dagat)...mabuting paraan pala ang mga wind towers upang makakuha ng hanging magpapalamig sa loob ng kani kanilang mga bahay. habang ang mainit na hangin ay lumalabas, ang hanging napalamig sa loob ng tower ay pumapasok. sabi sa lonely planet, malamig daw at may kaunting hanging mararamdaman sa ilalim nito. (sarado kasi yung pinto e... di namin sinubukang pumasok, mahirap na.) (Picture taken from the Bastakia Quarter, Bur Dubai)

pero syempre, papalampasin ko ba ang pagkakataong hindi ito maranasan, dahil na rin sa aking lonely planet, napadpad kami ng sharjah, isang emirate din ito na 30-minuto lang ang layo sa dubai. sabi sa libro, may wind tower daw dito na tanging pabilog ang pagkakagawa ("The Majlis of Ibrahim Mohammed al-Midfa is known for having the only round wind tower in the Gulf" -Lonely Planet, Dubai, p.154), at sa kabutihang palad, maaari kang pumasok sa loob ng bahay! tingnan mo nga naman ang swerte. (Picture taken from the Sharjah Heritage Site)

my own true blog
03-12-2007... at last, at last, my own true blog... i wonder what i'll be posting in here... anyway, it's the experience of having one that matters... para sa aking future descendants, nagkablog ang lola nyo! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)