nagpapasalamat talaga ako at naimbento ang mga travel guide books...
madalas, magpupuyat lang ako ng isang gabing pagbabasa ng lonely planet at magaayos ng aming itinerary para sa isang excursion sa susunod na linggo... anong oras magkikita, anong sasakyan or mga kalyeng dadaanan, magkano ang magagastos, gaano katagal dapat sa isang destinasyon, saan kakain, at syempre anong oras makakauwi. masaya, lalo na kung nasunod lahat ng plano at maganda ang kinalabasan... at syempre pag marami kang pictures na nakuha. dapat laging maraming pictures na makuha, walang proof pag walang pictures.
minsan din, sa di inaasahang pagkakataon, mapupunta ka sa isang lugar na hindi ka pamilyar, hindi mo alam kung saan ka dapat pumunta. dito malaki ang naitutulong ng lonely planet sa kin.
nung tumuntong ako sa dubai, ang alam ko lang na dapat makunan ng picture ay ang burj al arab, syempre. pero hindi naman yun lang ang dubai di ba? dahil sa lonely planet, namulat ako sa konsepto ng "wind towers" bilang isang building feature ng isang middle eastern dwelling. nung nasa kolehiyo pa ako, ang natatandaan kong feature ng isang dwelling para sa hot arid region ay - dapat may courtyard, small openings at magkakadikit...parang di ko yata natantandaan ang mga wind towers (baka natutulog ako o lumilipad ang isip nung binanggit ito - o baka iba din kasi pag malapit sa dagat)...mabuting paraan pala ang mga wind towers upang makakuha ng hanging magpapalamig sa loob ng kani kanilang mga bahay. habang ang mainit na hangin ay lumalabas, ang hanging napalamig sa loob ng tower ay pumapasok. sabi sa lonely planet, malamig daw at may kaunting hanging mararamdaman sa ilalim nito. (sarado kasi yung pinto e... di namin sinubukang pumasok, mahirap na.) (Picture taken from the Bastakia Quarter, Bur Dubai)
pero syempre, papalampasin ko ba ang pagkakataong hindi ito maranasan, dahil na rin sa aking lonely planet, napadpad kami ng sharjah, isang emirate din ito na 30-minuto lang ang layo sa dubai. sabi sa libro, may wind tower daw dito na tanging pabilog ang pagkakagawa ("The Majlis of Ibrahim Mohammed al-Midfa is known for having the only round wind tower in the Gulf" -Lonely Planet, Dubai, p.154), at sa kabutihang palad, maaari kang pumasok sa loob ng bahay! tingnan mo nga naman ang swerte. (Picture taken from the Sharjah Heritage Site)
6 comments:
nung nakita ko ang burj and emirates tower, i was overwhelmed, sabi kasi sa national geo magnific sturctures daw. kaya naman wow! but then, yun na ba yun?
but when this couple (net and leo) brought me to this heritage site, explained the wind towers, the old wall of dubai, sumakay ng abra(hindi ko ma-gets bat tinatawanan ako ni martin na sumakay ako ng abra) to cross dubai creek. i thought, this is authentic tourist trip. galeng!
thanks to you and your lonely planet.
mukhang natulog ka nga :)... wind scoop ang ginamit na term for wind tower nung college pa tayo. generic term ata ang wind scoop, at may iba't ibang archetypes ito -- from a fan-like apperture to windtowers.
nweys, alala ko pa nga na minsan may pool of water sa base ng tower para di pumasok ang alikabok sa loob ng bahay at para din lumamig or tataas kunti ang humidity sa loob ng bahay.
ligalig (at di rin pwedeng gamitin ang name na to)
now, i remember.. hahaha.. oo nga, wind scoop!!! :)
thanks prof!!!:)
salamat sailormars na tinupad mo ang hiling ko. obvious bang paranoid ako?
mwehehehe... natawa talaga ako sa name ng link ko.
sailormoon (ang tagapagtanggol ng mga taong iniapi, mga sawi sa pag-ibig...)
hehe..prof, mukhang tulog din ako noon dahil di ko rin naalala, baka magkaiba tayo ng college prof, hehehe...puwede ba gamitin ang wind towers dito sa pinas?
chinese joyce (tinotohanan ko na ang bansag sa akin ni ligalig,este...darna =P)hehehe...
pwede kung may sariwang wind. hehehe.
sa tingin ko pwede sya kaya lang dapat may konting innovation. paano kung may super typhoon number 4? o kaya may malakas na ulan? paano ang amihan-habagat?
may mga lugar din naman sa pinas na maladisyerto at malapit sa dagat. at di rin dinadaanan ng bagyo.
sailormoon
p.s. diniscuss either ni ip santos(who is now a national artist)or eg fernandez ang wind scoops. natago ko pa kasi ang sketches and notes ko nito (na nasa intermediate paper) pero di ko lang maaalala kung anong class ito nadiscuss.
Post a Comment